Is there any way para matanggal or mabawas-bawasan yung stage fright when reporting/public speaking,etc?
Sobrang mahiyan kasi ako when it comes sa public speaking and sa audience at palagi akong kinakabahan. But may mga times din na kahit hindi naman ako kinakabahan, nanginginig ako as in nangangatog kumbaga yung arms, kamay, labi, binti ko nanginginig. Pinagpapawisan kamay ko kahit di naman ako naturally pasmado in a normal situation, kapag nasa harap lang talaga ako or if reporting ganon. Kahit nga lang magbato bato pick lang na pinapuntan ako sa harap, nanginginig ako when in fact hindi naman ako kinakabahan AT ALL. Siguro kasi I’m the kind of person na takot talaga sa mga tao. Not literally takot sa tao. What I mean is that takot ako ma judge, takot ako na pagtawanan sa harap na kahit makita ko lang na tumatawa sila na hindi naman towards me pero nafefeel ko na ako yung tinatawanan. Lagi pako nauutalllll. Kapag before reporting or what, iniisip ko yung mga gusto kong sabihin or nagreready ako ganon, pero kapag yung araw ng reporting na, nakakalimutan ko na siya dahil sa audience because I care kung pano sila magreact while I’m speaking ganon. Paano kaya maalis yon? Hahahaha