Fourth year college and I'm shifting course
Hindi ko na kaya, urat na urat na talaga ako dito. I'm 22 and currently in 4th year, 2nd sem of BSCE. Delayed na rin ako dahil I failed one major subject twice already. Unang fail ko nahirapan ako makapagfocus at mag-aral dahil pandemic at online class. Second fail is nahirapan ulit at 'di nakapagfocus dahil na-engage sa crypto. Currently, nasa 3rd take ako and 4th year. I'm unable to take other subjects din dahil pre-requisite nila ito so kailangan kong maipasa muna ito before matake and sa state uni kasi na pinapasukan ko, hindi nag-ooffer ng summer class at hindi rin mate-take sa susunod na sem kaya nag-aantay pa ng bagong academic year before matake ulit. Sinubukan ko ngayon na magfull focus but it is generally hard mga classmate ko nung first take ko, classmate ko pa rin ngayon e. Even after studying for a week, I'm unable to get at least 15% of the score. Mas nadrain ako at naging umotivated sa mga nangyayari but it's giving me a little push para ituloy yung plano ko nung 2nd year na magshift which I will now do. Isa na rin siguro sa factor kung bat ako urat na urat is wala akong gaanong kakilala dahil nahirapang makipagsocialize hindi nakabuild ng friends dahil na rin sa online class. Hindi ko rin alam kung tatapusin ko pa itong current semester or huwag nalang kasi wala na ring point dahil magshi-shift lang din ako sa hindi engineering-related na course.
Magpapahinga nalang muna ako sa academics for a year or half at bibigyan ko sarili ko ng oras para magdecide kung ano talagang course ang ite-take ko as I don't want to shift into tech-related course just because I feel like doing it. I'm going to work din while naka-pause sa acads to help me fund my tuition sa bagong school na papasukan ko. Kailangan ko ring iprepare sarili ko mentally knowing na I'd be 23 or something tas mga classmates ko waay younger lol. Hopefully, I won't regret making this decision and I get passionate about the next course I'm going to take. Iyon lang naman, salamat. ;-;