HELLORACHE is OVERSATURATED

Alam kong may nagmumuni muni dito na admin ng Hellorache. If mababasa mo ito, kung hindi nyo kaya i-handle yung volume ng mga HVA, itigil nyo ang hiring process! Magoopen na ng next batch AGAD, yung sinundan na two batches WALA PA PONG CLIENT kahit isa.

Di na normal na buong batch as in wala pa client interview kahit isa. Tas tumatanggap na naman kayo ng panibago.

Kung alam lang namin na ganito kakalat yung sistema ng hellorache, hindi na sana kami nagbigay ng referrals, nakakahiya.

Additional lang din: Sana sa application process pa lang, disclose nyo din sana na hangga’t hindi ka pa hired/ walang client kahit graduate ka na, oobligahin ka padin magpasa ng OFFLINE ACTIVITIES na kahit PASKO KELANGAN PA DIN MAGPASA. WALANG BREAK. Kapag hindi ka nag-comply sa offline activities na yan kahit graduate ka na, TANGGAL!

Sa mga na-refer ko sa Hellorache, sorry ang bulok ng company.