BABAENG BALIW SA BADING!

DELIKADO NA ME!

I just wanna get this off my chest, kasi kinakabag na ako ng malala. ‘Di ko alam kung crush ko na ba siya, pero nakakainis na nakakakilig na nakakakilabot talaga!

So heto na nga, parang paunti-unti na akong nasasaniban ng kapangyarihan ng dilim (oa lang ako siguro). Pero kasi, ewan ko ba!! Jusko naman!!

We met recently at work. Then, eventually, we became super super close—almost inseparable. Noong una, ok naman eh. Mukha siyang straight, pero may naamoy na rin akong something kahit na ang cute cute niya at mukha siyang kpop idol. Hanggang sa nag-out na siya sa akin. Bayola daw siya, 50/50 pero mas dominant ang kabadingan. Still, hindi siya umaamin sa iba about sa identity niya. I just knew every single detail about this person, and it seems like I’m holding a mega bomb dahil kabisado ko na ang lahat sa kanya!

Parehas naman sana kaming kinikilig sa lalaki! Pero, grabe talaga ang ginagawa sa akin ng universe! Even outside working days, magkasama pa rin kami! Tapos ngayon, nagseselos na ako kasi may crush siyang lalaki! Last week naman, sabi niya, gusto niya ulit ng girl (na baka raw nasa tabi-tabi lang) pero ngayon naman, boy na naman!

Huhuhu Lord, ano ba itoooo. Sa tuwing ngumingiti siya at nangungulit sa akin, parang nanghihina na yata ako. This dang badeng is so adorable. Kanina lang, ang clingy clingy niya sa akin. I cannot anymore!