Are vloggers over-glamorizing the housewife life?
Napansin ko lang, parang marami na ngayong newlyweds gusto maging "housewife"— pero umaasa pa rin sa parents nila (o sa parents ng asawa nila). Minsan, nakikitira pa sa bahay ng parents or in-laws nila.
Paano sila magiging independent kung hindi nagtatrabaho at wala pa silang sariling bahay? Hindi ba parte ng pagiging housewife ang mag-manage ng sariling household? Paano nila magagawa yun kung umaasa pa rin sa iba?
I also wonder if this trend is influenced by vloggers like Kryz Uy at Vern Enciso, na nagpapakita ng "perfect" housewife life, with all its comfort and luxuries. Ang nakikita lang ng mga tao yung maganda at madaling side, pero hindi nila nakikita na nagtatrabaho rin sila bilang vloggers. Kaya siguro gusto ng iba i-replicate yung glamor na yun.
Is this lifestyle being over-glamorized? Kasi ang nakikita lang natin yung magagandang parte, hindi yung buong reality. What do you think?