Simple gesture ng date mo na tumatak sayo.

Lunch so madaming tao sa Marugame. Nung kami na, dalawa nalang yung tempura. I asked kuya if magluluto na sila.

Mag-iintay pa daw. So sabi ko wag nalang. Kinuha ko na yung dalawang malamig na tempura. Kalungkot.

Umupo na ako and he paid for the meal.

Kumakain na kami pag bite ko sa tempura malamig na talaga. Kala ko medyo warm man lang. Hindi ko na tinapos. Sigh. Maya maya lumapit yung server may dalang tempura bagong luto. Nag order pala siya additional. Deadma ako. Kinagatan ko na yung akin eh. Ang alam ko kanya yun.

Binigay niya sa akin yung newly cooked na tempura tapos siya kumain nung malamig.

Sabi ko kainin na niya yung mainit kasi may bawas ko na yung malamig. Deadma daw. Kinain niya pa din.

Ang simple. Pero para sa akin na ayaw ng lamig malaking bagay siya. 🫠