Mejo fluent mag english pag written pero pag oral hindi

Ako lang ba yung ganto? Pag sa creative writing nakakapagsulat naman ako ng english, lalo na siyempre pag tinatype ko lang ganern madami akong naiisip na words, pero kapag oral na, nau-utal utal na ko. 😭 as in parang hindi ako marunong mag english. Bakit ganun? Bakit pag kakausapin ako ng english, ang tagal bago ko maisip yung sasabihin ko na english din? Simula naman bata ako, karamihan sa movies at series na pinapanuod ko ay english din. Fyp ko din sa tiktok halos puro taga USA. Nakakaintindi naman ako ng english.

May interview kasi ako kanina, tapos balak ko talaga english ako sasagot, may prepared sentences na nga ako eh, pero nung tinatanong na ko dun sa actual interview HAHAHAHA nautal utal ako tapos tinaglish ko na lang😝🥴 halos parang wala akong maisip na english na sagot, like kung pano ko eenglishin yung sagot ko. ang b0nak ko tuloy.

Kung may tips kayo pano ako mag iimprove, just comment down below hehe HAHAHA

Edit: Thank you so much po sa mga tips and advice niyo! Really appreciate all of it. Gagamitin ko yan lahat. 🥺🙏